Tekstong Prosidyural

 Polvoron recipe


Ang polvoron ay isang uri ng kendi na maaaring kainin pag tapos kumain at maaaring gawing pang himagas. Ito ay maaaring kainin ng mga bata at matatanda. Ang polvoron ay gawa sa pinaghalo-halong tostadong harina, powdered milk, asukal at butter. Ito’y maari mo ring gawin sa inyong bahay at maaari mong pagkakitaan. Sundin mo lamang ang aking mga bibigay na hakbang at tiyaking ilalagay lahat ng aking ibibigay na sangkap.

MGA SANGKAP SA PAGGAWA NG POLVORON

• 1 cup of flour (harina)

• 1/2 cup of sugar (asukal)

• 1 1/2 cup of cream powdered milk (gatas)

•1 cup of melted butter

• 1 1/2 cup of addition flavor (optional lang ito)

MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG POLVORON

1. Tostahin ang harina ng mabagal. Hinaan ang apoy para hindi mabilis masunog. Haluin ng haluin para pantay ang pagkakaluto. Gawin ito hanggang maging kulay medyo brown na ang harina.

2. Kapag medyo kulay brown na, patayin na ang apoy pero hayaan molang ang harina hanggang sa medyo lumamig ito.

3. Ilipat ang harina sa lalagyan. Ihalo na ang powdered milk, asukal at butter. Tapos haluing mabuti.

4. Buoin na ang polvoron. Gumamit ng molder para presentable ang polvoron.

5. Ibalot na ang iyong ginawang polvoron.

Kung nasunod mo lahat ang mga halbang sa itaas ay tiyak ko na masarap ang iyong ginawang polvoron. Yan ang classic na polvoron. Pero ngayon, marami nang naglitawan na iba’t ibang flavors ng polvoron. May mani, pinipig, kasoy, chocolate, cookies and cream at marami pang iba. Iba’t ibang lasa, iba’t ibang sarap na patok naman sa magkakaibang trip ng ating panlasa.


 


Comments